SUMULAT na si Vice President Sara Duterte kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. kaugnay sa kaniyang hiling na hindi na niya tatanggapin ang mga security details na ibibigay sa kaniya.
Ito ang inihayag ng pangalawang pangulo sa isang pulong balitaan matapos na tanungin patungkol sa kaniyang seguridad.
Paliwanag ni VP Sara kung sakali man na papalitan ang kaniyang kasalukuyang security details maghahanap na lang umano siya ng security sa labas ng AFP.
“Yes, nagpadala ako ng letter sa Chief of Staff ng AFP, meron lang akong nilatag doon na mga request, pinaka-una doon is hindi na ako tatanggap ng replacements so kung magtanggal sila, hindi na nila i-replace, iwan na lang nila kung ano ‘yong maiwan and kung wala mang maiwan dahil tatanggalin nila lahat, I already said that I will seek security arrangements outside AFP already,” pahayag ni Vice President Sara Duterte.
Sa ngayon aniya ay naghahanap na sila ng security provider habang wala pang update kung ipu-pull-out ba o papalitan ang kaniyang security.
“Yes, wala pang update dun sa pullout at replacement, nag-aantay kami sa Armed Forces of the Philippines kung kelan nila gagawin yon.”
“We are exploring private security services,” giit pa ng Bise Presidente.
Ikalawang pangulo ng bansa hindi ligtas sa kamay ng AFP—VP Sara
Samantala muli namang binigyang-diin ni VP Sara na hindi siya ligtas sa kamay ng AFP dahil sa pagiging biased ng kasalukuyang administrasyon at inihalimbawa nito ang Department of Justice (DOJ) na walang ginawang hakbang upang imbestigahan ang banta sa kaniyang buhay na dapat ginagawa ng administrasyon.
“I do not feel secure as I said that there’s always been biased because as an example, DOJ, iniimbestigahan nila yoong presscon pero hindi nila iniimbestigahan kung bakit kami umabot sa presscon na ‘yon, iniimbestigahan nila ang threat kuno pero they not ever investigated threats against me which are all documented but we don’t trust them at all,” ayon pa kay VP Sara Duterte.
Sinagot din ng bise presidente ang paratang sa kaniya na imaginary o haka-haka lang umano ang banta sa buhay niya.
“We have documents, we have screenshots, we have photos we have police blotters we have written on file but we never talk about it before because I felt na it was part of my job as vice president, you get that and it did not affect my work so all the more that it was inconsequential for me at that time,” aniya.
Meron namang hamon si VP Sara sa mga nagsasabing imaginary lang ang banta sa kaniyang buhay.
“But right now seeing that they are picking out words that I said and making a case out of it and saying that these are threats so I think they should start with where is this coming from, that is the question that they should ask themselves,” giit ni VP Sara.
Sa huli, hindi naman aniya nagsisisi ang pangalawang pangulo sa kaniyang mga sinabi patungkol kay Bongbong Marcos Jr., Liza Marcos, at Martin Romualdez.
“Buti na ‘yang alam nila na ‘pag namatay ako, I will not die in vain,” aniya pa.
Kaugnay rito nauna nang sinabi ng AFP na kanilang gagampanan ang kanilang tungkulin na poprotektahan nila ang pangalawang pangulo ng bansa.