Walang bantang tsunami sa bansa, matapos ang malalakas na lindol sa New Zealand

PINAHAYAG ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) na walang tsunami threat sa bansa matapos ang pagyanig ng dalawang malalakas na lindol sa New Zealand kaninang madaling araw.

Niyanig ng 7.5-magnitude na lindol ang Kermadec Islands sa New Zealand kaninang 1:41 a.m.

Muling niyanig ang lugar ng 8.0-magnitude na lindol kaninang 3:28 a.m.

Ayon sa Phivolcs, maaaring posible lamang ang tsunami waves sa mga baybayin sa loob ng 300 kilometro ng epicenter ng lindol.

Kagabi niyanig ng 7.3-magnitude na lindol ang Kermadec Islands, mga isla sa hilagang bahagi ng New Zealand, 7,000 kilometrong layo mula sa Pilipinas.

Samantala, inisyu ang tsunami warning sa Kermadec matapos ang nangyaring lindol at hindi naman nagbigay ng banta sa mainland New Zealand.

 

“Tsunami waves reaching 0.3 to 1 meters above the tide level are possible for some coasts of Kermadec islands,” ayon sa nakasaad sa warning.

Naiulat na wala namang napinsalang ekonomiya o tao sa nasabing lindol.

SMNI NEWS