Walang COVID-19 vaccines na nasira sa pananalasa ni Bagyong Karding –DOH

Walang COVID-19 vaccines na nasira sa pananalasa ni Bagyong Karding –DOH

NILINAW ng Department of Health (DOH) na walang COVID-19 vaccines na nasira sa pananalasa ni Bagyong Karding.

Ito ang inihayag ni DOH OIC Usec. Maria Rosario Vergeire

Ito ay kahit mayroong mga 21 health facility na nagkaroon ng partial damage.

“Wala po tayong nasirang bakuna dahil sa bagyong nakaraan ‘yung kay Karding. Meron po tayong mga nasirang facilities but these damages were just minor. Merong tumulo ang bubong, merong natuklap ‘yung bubong, meron ibang mga parte ng mga facilities natin ay nabaha. So these are the things na nakita natin based on our assessment,” pahayag ni Vergeire.

Hindi rin aniya naantala ang pagbibigay ng health services ng ahensiya sa kasagsagan ng bagyo.

“Nakikipagtulungan tayo sa ibang ahensiya and also with the local governments para maiayos na natin sila but there were no disruption of services just to be very clear on that,” ayon kay Vergeire.

Una na ring sinabi ng health official na bago manalasa ang bagyo, naka-preposition na ang mga power generators nila para magamit sakaling mawalan ng kuryente.

Ito ay para ma-preserve ang temperature requirement ng mga bakuna.

Samantala, hinimok ng DOH ang lahat ng mga lumusong sa baha na pumunta sa mga health centers para mabigyan ng medisina kontra leptospirosis.

Ito aniya ay libreng ibinibigay para sa kanila.

Paalala ni Vergeire, ang sakit na leptospirosis ay nakukuha sa ihi ng dagat na maaring naroon o nakasama sa tubig baha.

“Kailangan niyo pong pumunta sa ating mga health centers para kayo ay ma-assess at mabigyan ng prophylactic na medisina para maiwasan natin ang leptospirosis. Pangalawa, kailangan maglinis po tayo ng kapaligiran natin. Let us clean our backyards ‘yung ating environment para itong threat ng leptospirosis ay mawala rin,” ani Vergeire.

Sa latest update naman ng DOH, nakapagtala na ang bansa ng 1,770 na kaso ng leptospirosis.

Ito ay 36 percent na mas mataas kung ikukumpara noong nakaraang taon.

MGA KAUGNAY NA BALITA:

National Special Vaccination Week ng DOH para sa booster na-extend hanggang Oct. 1

Pamahalaan, hinimok ang publiko na makiisa sa Bakunahang Bayan sa September 26-30

Follow SMNI NEWS in Twitter