SINIMULAN na ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang kanilang ‘Walang Gutom Kitchen’ nitong Lunes, Disyembre 16, 2024.
Ang proyekto ay isang food bank initiative katuwang ang private corporations kung saan hinihikayat sila na mag-donate ng goods lalo na pagkain para sa mga nangangailangan.
Partikular na tinatarget nito bilang beneficiaries ang mga homeless na pamilya, mga kabataan at mga indibidwal.
Matatagpuan ang ‘Walang Gutom Kitchen’ sa Nasdake Building, Pasay City.