SINABI ni former Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo, limang taon na ang demanda kay Pastor Apollo Quiboloy ngunit paulit-ulit nilang pinopostpone ang paglilitis. Aniya, ang pagde-delay ng kaso ay nagsisilbing indikasyon na walang ebidensiya.
“’Yung demanda kay Pastor, limang taon na pero palagi nilang pinopostpone ang paglilitis sa kanya.”
“Ang pamamaraan ng pagde-delay ng isang kaso ay nagpapahiwatig na walang ebidensya—pinapanatili lang nila ang warrant of arrest kasi kapag tinuloy nila, makikita nilang walang kasalanan si Pastor Apollo Quiboloy,” ayon kay Atty. Salvador Panelo, Former Presidential Spokesperson.