Umamin ang health minister ng Sweden na walang pormal na hakbang ang bansa kontra COVID-19.
Wala umanong pormal na istratehiya ang Sweden sa pangangasiwa ng COVID-19. Ito ang inihayag ni health minister Lena Hallengren, 1 araw bago ito sumailalim sa breast cancer surgery.
Sa kabila ng pag-amin na ito, nilinaw naman ni Hallengren sa komite ng konstitusyon na ipinatupad ng gobyerno ang lahat ng hakbang na pinaniniwalaan nitong kinakailangan sa lahat ng yugto ng pandemya.
Ayon pa kay Hallengren, hindi naman nag-iisa ang Sweden sa bansang walang pormal na istratehiya dahil maging ang Germany, France at Italy ay wala rin.
Ang hearing na ito ay ipinatawag ni Tobias Billstrom, lider ng opposition moderate party and committee, ang pinakamakapangyarihan sa parliamento ng Sweden.
Matapos ang hearing ay inihayag ni Hallengren na siya ay nag-diagnose na mayroong breast cancer, kung saan magsisimula na rin ang kanyang chemotherapy sa Lunes.
Samantala, pahayag ni Hallengren sa hearing na ang kanyang gobyerno ay nagtakda ng patakaran sa coronavirus batay sa ilang labis na layunin.
“We should put lives and health first, protect the healthcare system as much as we can, and make sure that they have the resources they need.
“But we have also stressed the importance of securing society’s other important functions. We believe that once this pandemic is over, society should be able to continue to function.”
Binigyang diin rin ni Hallengren na hindi posibleng masabi agad nito o ng gobyerno noong nagsisimula pa lamang ang pandemya kung magkakaroon ng shortage sa PPE, face masks, gloves at visors para sa health personnel.
(BASAHIN: Muling binuksan ang cross-border train sa pagitan ng Finland at Sweden)