MULING kinuwestyon ng vice presidential candidate ng Partido Lakas ng Masa na si Walden Bello ang hindi pagdalo ni Davao City Mayor Inday Sara Duterte.
Tumanggi rin si Bello na sagutin ang tanong ng COMELEC kung ano ang kanyang magiging policy expertise kung magiging bise presidente ng bansa.
Dahil dito, sinabihan ni Bello ang COMELEC na dapat isailalim sa sanction ang dalawang kandidato ng UniTeam na hindi dumalo sa debate.
“We need stronger penalties for these people noh, kasi ho this is so undemocratic that they’re not here. I’m tempted to walk out right now you know because precisely we’re making fools of ourselves without this person who’s just clapping up there you know. Mr. Chair, can you answer this? You are the Commission on Elections. You can penalize these two jokers, Marcos and Duterte for not showing up” wika ni Bello.
Magugunitang, hindi rin dumalo si presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa presidential debate ng COMELEC nitong Sabado.
Una nang inihayag ng COMELEC na ang mga kandidato na hindi dadalo sa debate ay bawal na sa “E-Rally”.
Saad ni Bello, hindi sapat ang parusa na ito dahil para sa kanya duwag ang mga ito.
BBM, mas piniling sagutin ang mga tanong ng taumbayan kaysa sa COMELEC debate
Mas pinili ni presidential candidate at former Senator Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. na sagutin ang mga hinaing at katanungan ng mga taumbayan sa Marikina Riverbanks kaysa paglahok sa debate ng COMELEC.
Kabilang sa mga nagtanong na mga grupo sa townhall meeting ay mula sa LGBTQ community, transport groups, youth organizations at iba pa.
Sinagot naman nang deretsahan ni BBM ang mga tanong tungkol sa mga issue ng fake news, anti-discrimination, ekonomiya, pagpapababa ng presyo ng langis, oil subsidy, pagtulong sa single mothers, education, PhilHealth, pagtulong sa senior citizens, pagsasanay para sa mga Overseas Filipino Worker at iba pa.
Samantala, ang batikang mamamahayag na si Erwin Tulfo ang naging moderator sa nasabing pagpupulong.
Magugunitang nagsasagawa ng presidential debate ang COMELEC kasabay ng BBM-Sara Rally.