ARESTADO ng Quezon City Police District-District Special Operations Unit (QCPD-DSOU) ang isang wanted person na may pending warrant of arrest kasama ang kaniyang kasabwat sa Bacoor City, Cavite.
Kinilala ang wanted na si Dennis John de Leon Bautista, 50, architect, kasama ang kaniyang kasabwat na si Christian Dino Reyes Alarcon, 36, negosyante, kapwa residente ng Imus, Cavite.
Sila ay naaresto sa Phoenix Gas Station sa kahabaan ng Aguinaldo Highway, Salinas Bacoor, Cavite.
Ayon sa ulat, isinilbi ng joint operatives’ ng DSOU, Criminal Investigation and Detection Group (CIDG-QCPD), at Bacoor City Police Station ang warrant of arrest.
Ito ay inisyu ni Hon. Gian Enrico Cammayo Navarro, Presiding Judge ng Branch 133, Regional Trial Court (RTC), Tagaytay City, Cavite ang pag-aresto kay Bautista dahil sa kasong panloloko o estafa.
Nakumpiska rin ng mga operatiba ang dalawang baril na inilagay sa upuan ng kotse ng isang Mitsubishi Expander na may Plate Number NEU-5063 na minamaneho ng suspek na si Alarcon.