PINATANGGAL ang wanted posters na ipinaskil ng PNP sa gate area ng KOJC compound.
Ayon kay Atty. Adam Jambangan, kahit na may operasyon ang pulisya sa lugar, nananatiling pribadong ari-arian ito ng simbahan.
Binibigyang-diin niya na may karapatan ang KOJC na magdesisyon kung ano ang maaring ilagay o hindi sa kanilang teritoryo.