War on drugs ni PRRD, ipagpapatuloy ni Mike Defensor sa QC

War on drugs ni PRRD, ipagpapatuloy ni Mike Defensor sa QC

IPAGPAPATULOY ang war on drugs ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa Quezon City.

Ito ang ipinangako ni Quezon City mayoral candidate Mike Defensor sakaling mailuklok siya sa pwesto bilang mayor ngayong eleksyon.

Saad ni Defensor sa SMNI Exclusive kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, dahil ang krimen sa isang lugar halimbawa sa kanyang distrito, ay madalas may kaugnayan sa droga kung kaya’t dapat masugpo at matulungan ang sinumang sangkot at nalulong dito.

Samantala, tema ng pagkakaisa ang dahilan kung bakit UniTeam ang napili ni Defensor na suportahan.

BASAHIN: Mike Defensor, nilinaw na hindi sangkot sa latest anti-corruption case vs QC Mayor Joy Belmonte

Follow SMNI NEWS in Twitter