SA wakas ay bukas na sa publiko ang warehouse ng Commission on Elections (COMELEC) sa Sta. Rosa Laguna at National Printing Office (NPO).
Ito ay palatandaan na gusto ng COMELEC na maging transparent sa taumbayan ang kanilang mga paghahanda para sa darating na eleksyon.
Isinasagawa ang pagsasaayos ng mga secure digital memory card o SD cards sa warehouse ng COMELEC sa Sta. Rosa na gagamitin para sa vote counting machines (VCM) habang sa NPO naman iniimprenta ang mga balota.
Ipinapangako naman ni COMELEC Chairman Saidamen Pangarungan na magiging transparent at tapat ang COMELEC sa eleksyon.
Samantala, ngayong araw nakatakdang magtungo si Pangarungan at ibang opisyal ng COMELEC sa NPO at sa bodega sa Pasig City para sa random sampling at inspeksyon.