IKINAGALAK ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pag-isyu ng warrant of arrest ng Jolo Regional Trial Court Branch 3 laban sa siyam na pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na army intelligence personnel.
Sa isang pahayag, hinimok ni AFP Spokesperson Edgard Arevalo ang mga akusadong pulis na sumuko na.
Kung hindi aniya ay tutugisin at dadalhin ang mga ito ng AFP, PNP at iba pang ahensiya ng gobyerno sa korte na walang antala para harapin ang kanilang paglilitis sa kasong multiple murder.
Sinabi ni Arevalo na ang kaso ng mga suspek ay walang piyansa na indikasyon na kinokonsidera ng korte na malakas ang ebidensya sa kaso.
Unang ikinadismaya ng AFP ang pagpapalaya sa siyam na pulis matapos mabigo ang korte na maglabas ng warrant of arrest.