Warrant of arrest vs Senior Agila, 12 iba pa, inaasahan ng DOJ

Warrant of arrest vs Senior Agila, 12 iba pa, inaasahan ng DOJ

INAASAHAN ng Department of Justice (DOJ) ang pagpapalabas ng warrant of arrest ng Surigao del Norte Regional Trial Court laban kina Jey Rence Quilario o mas kilala bilang Senior Agila at sa 12 iba pang lider at kasapi ng Socorro Bayanihan Services Inc. (SBSI).

Ito ay kasunod ng pagsasampa ng patong-patong na kaso laban sa grupo.

Ayon kay Justice Secretary Jesus Crispin Remulla, kasong qualified trafficking, facilitation of child marriage, solemnization of child abuse ang kanilang isinampa sa mga akusado.

‘‘We have 21 cases filed already. Meron na tayong cases na na-file ng prosecutors. It’s just the beginning. Marami pa itong angles na dapat ma-file.

‘‘The thing speaks to itself. Kung paano sila gumalaw na ang bata ay kanilang ginamit sa iba’t ibang pamamaraan, at kung paano nila trinaffick itong mga ito,” ayon kay Sec. Jesus Crispin Remulla, DOJ.

Pag-iisipan naman ng DOJ ang paglilipat ng mga kaso dito sa Manila para hindi ito maimpluwensyahan.

‘‘We believe that the cases should be filed here in Manila or in another venue where the interest of justice will not be affected by people who may want to interfere in the process,’’ ayon pa kay Sec. Remulla.

Apat sa mga akusadong ito kabilang na si Senyor Agila, Mamerto Gallanida, Karren Sanico, at Janeth Ajoc ay kasalukuyang naka-detain pa rin sa Senado matapos silang ma-contempt sa pagdinig.

Ang ibang akusado ay nanatili namang at large.

Nanatili namang walang sagot ang panig ng mga akusado sa mga kasong isinampa sa kanila.

Pero matatandan na una nang itinanggi ni Senyor Agila at iba pang miyembro na mayroong pang-aabuso na nangyayari sa loob ng kanilang organisasyon.

Follow SMNI NEWS on Twitter