Warrantless arrest sa vote-buyers at vote-sellers, pinapahintulutan—COMELEC

Warrantless arrest sa vote-buyers at vote-sellers, pinapahintulutan—COMELEC

PINAPAHINTULUTAN ng Commission on Elections (COMELEC) ang pag-aresto sa sinuman kahit walang warrant kung nahuli sa aktong gumagawa ng vote-buying at vote-selling ngayong panahon ng eleksiyon.

Batay ito sa Resolution No. 11104 ng Kontra Bigat Committee ng poll body.

Sa Section 262 ng Omnibus Election Code, makikita namang isang election offense ang vote-buying at vote-selling.

Mula dito, ipinaalala na rin ng COMELEC sa publiko na protektahan ang kanilang mga sarili laban sa vote-buyers at vote-sellers.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble