MALAKING tulong umano ang Washington Declaration upang palakasin ang ugnayang nuclear sa pagitan ng Estados Unidos at South Korea.
Ayon kay Edgard Kegan Senior Director ng East Asia at Oceania ng National Security Council, ito ay idinisenyo upang tugunan ang mga umuusbong na banta ng North Korea at nuclear rhetoric ngunit ipinaliwanag nito na ang kasunduan nila ay hindi “nuclear sharing”.
Inilabas ni South Korean President Yoon Suk-yeol at US President Joe Biden ang joint statement noong Miyerkules matapos magdaos ng bilateral summit sa Washington.
Ang kasunduan ay nanawagan para sa pagtatatag ng Nuclear Consultative Group (NCG), na sinabi ng mga opisyal ng US na magbibigay ng karagdagang detalye sa kung paano nagpaplano at naghahanda ang US para sa mga pangunahing nuclear contingencies. Isang makabuluhang hakbang na magbibigay daan sa mas mahusay na kooperasyon at mas mahusay na pagkakaunawaan sa pagitan ng mga bansa.
Ipinaliwanag ni Kagan na ang NCG ay naiiba sa nuclear planning group ng NATO dahil ito ay isang bilateral na kaayusan at nasa pagitan ng isang nuclear state at ng isang non-nuclear state.