BUKOD sa search and rescue exercises, ibinida rin ang kakayahan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Vietnam Coast Guard sa firefighting capabilities.
Parehong nagpamalas ng kanilang kakayahan ang dalawang maritime agency tuwing may mga insidente ng sunog sa karagatan.
Nauna nang nilinaw ng PCG na walang intensiyong magpakita ng puwersa o lakas ang anumang mga aktibidad na isinasagawa sa bahagi ng West Philippine Sea (WPS).
Bagkus muling pagpapatibay lamang ito ng ugnayan ng dalawang bansa lalo na sa usapin ng maritime security at paggalang sa soberaniya at teritoryo ng bawat bansa.
Nitong araw ng Biyernes Agosto 9, nagtapos ang 4 na araw na port visit ng VCG sa Pilipinas.