Water level ng La Mesa Dam, umabot na sa spilling level

Water level ng La Mesa Dam, umabot na sa spilling level

UMABOT na sa spilling level ang water level ng La Mesa Dam sa gitna ng nagpapatuloy na pag-ulan dala ng southwest monsoon o Habagat.

As of 5:30 ng umaga nitong Miyerkules, Agosto 28, ang water level ay nasa 80.16 meters na.

Ang spilling level ng La Mesa Dam ay nasa 80.15 meters lang.

Sinasabing ang tubig mula sa La Mesa Dam ay makakaapekto sa low-lying areas malapit sa Tullahan River mula Quezon City, Valenzuela at Malabon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble