PATULOY ang bahagyang pagbaba ng elevation sa ilang dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa National Capital Region (NCR).
Ito ay sa gitna ng nararanasang ‘weak El Niño’ sa bansa.
Sa monitoring ng Bulacan Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) hanggang nitong Hulyo 10, and Angat Dam ay nasa 179.26 meters mula 179.58 meters noong Linggo, mababa nang bahagya sa minimum operating level na 180 meters.
Ang Angat Dam ay isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng suplay ng tubig sa Metro Manila.
Bumaba rin water level ng Ipo Dam na nasa 98.58 meters mula 98.64 meters nitong linggo o mas mababa sa maintaining level na 101 meters.
Habang ang Bustos Dam ay bumaba rin sa 16.95 meters.