Water supply sa Florida, USA, tinangkang lagyan ng lason

TINANGKANG taasan ng isang “hacker” ang Sodium Hydroxide (lye) ang water supply sa Florida, USA matapos itong makakuha ng access sa Oldsmar’s Water Treatment System.

Ito ay matapos makita ng isang plant operator ang pagkakatangka ng hacker sa paglalagay ng mataas na amount ng lye kung saan mula sa 100 parts per million (PPM) ay ginawa itong 11,100 PPM.

Ginagamitan lamang ng kaunting halaga ng chemical na Sodium Hydroxide (lye) ang water supply upang makontrol acidity ng tubig kaya naman kung sakaling matake ang naturang dami na halaga ng lye, maari itong magdulot ng masama sa katawan ng tao gaya ng skin irritation, eye irritation, pansamantalang pagkalagas ng buhok, pagkahilo, pagtatae, at pagsusuka.

Samantala, naagapan naman ang pagtatangka ng hacker matapos agarang i-reverse ng supervisor ang aksyon nito.

Nasa 15,000 na residente at mga business establishment ang maaaring maapektuhan sakaling natuloy ang paglason.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng imbestigasyon ang Federal Bureau of Investigation (FBI) at secret service.

SMNI NEWS