Waterlily Festival, pinapaigting ang pangakong Las Pineros’ na alagaan ang kapaligiran

Waterlily Festival, pinapaigting ang pangakong Las Pineros’ na alagaan ang kapaligiran

PINALALAKAS ng pagdiriwang ng Las Piñas Waterlily Festival sa taong ito ang pangako ng mga residente ng Las Piñas na pahalagahan at pangalagaan ang kapaligiran.

Ipinahayag ni Sen. Cynthia A. Villar, na sinimulan ang festival noong 2005, na ang taunang pagdiriwang ay hindi lamang kumikilala sa ‘most talented performers’ kundi pati na rin ang kahalagahan ng environmental protection.

“Today, the waterlily is no longer a menace or a pest but a symbol of ingenuity, resilience, and community cooperation. It stands as a testament to our collective commitment to preserve our environment,” ani Villar, chairperson ng Senate Committee on Environment, Natural Resources, and Climate Change.

Pinuri niya ang pagsisikap ng Las Piñeros na maayos ang Las Piñas at Zapote River sa pamamagitan ng Sagip Ilog Program. Ito ay inisiyatibo na kanyang sinimulan noong Las Piñas Representative pa siya.

“Water hyacinths or what is commonly known as water lilies were considered as aquatic pests clogging the Las Piñas at Zapote River, which caused massive flooding in the city,” sabi ng senador.

Ipinahayag niya na ang paghirang sa Ms. Waterlily Pageant 2023 ang pinakahihintay sa pagdiriwang.

Wagi sa naturang patimpalak sina Francine Anne T. De Castro ng Talon Tres, bilang Ms Waterlily 2023 na tumanggap ng P30,000 cash, tropy, flowers at crown; Christine Maico Bautista ng Brgy. Talon 5,1st Runner-up, P20,000 cash, trophy at flowers at Loiuse Zapanta ng Brgy.Pamplona Tres, 2nd Runner-up, P10,000 cash,trophy at flowers. Si Princess Romana De Guzman ng Brgy.Almanza Dos ang itinanghal na Ms. Photogenic at Ayessa Emille Estrellado ng Brgy.Pulang-Lupa Uno ang Ms Congeniality.  Nakamit ni Nash Leeho ng Talon Singko ng best designer award.

Bahagi rin ng pagdiriwang ang Sayaw Kabataan (SK) Para Sa Kalikasan” Dance Video Contest. Nanalo rito ang Remake Family ng Brgy. BF International-CAA bilang Grand Champion na tumanggap ng P30,000; Talon Youth for Progress Organization Dance Company ng Brgy.Talon Uno, First Runner-up na nakatanggap ng P20,000 at Fusion Flames ng Brgy.Talon Singko, second runner-up na tumanggap P10,000.00. Binigayan din ng cash award ang Ry Ultra ng Brgy Ilaya bilang Best in Costume at Fusion Flames ng Brgy.Talon Singko bilang People’s choice.

Tampok din sa nasabing pagdiriwang ang iba’t ibang exhibit ng mga produktong waterlily mula sa Lungsod ng Las Piñas at lalawigan ng Laguna.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter