Wattah Wattah Festival sa San Juan dinumog sa itinalagang basaan zone

Wattah Wattah Festival sa San Juan dinumog sa itinalagang basaan zone

DINAGSA ng mga residente at bisita ang itinalagang basaan zone sa San Juan City para sa selebrasyon ng taunang Wattah! Wattah! Festival.

Tuloy ang tradisyon ng basaan ngayong taon sa Wattah! Wattah! Festival bilang bahagi ng pagdiriwang ng Kapistahan ng San Juan. Ngunit ngayong 2025, isinagawa lamang ito sa isang designated basaan zone.

Pinayagan ang kasiyahan ng basaan mula alas-7 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon sa itinakdang lugar sa Pinaglabanan Road, sa pagitan ng P. Guevarra Street at N. Domingo Street.

Sa gitna ng masayang selebrasyon, mahigpit na ipinatupad ng lokal na pamahalaan ang pagbabawal sa pambabasa sa labas ng nasabing zone.

Paliwanag ni Mayor Francis Zamora, layunin ng bagong guidelines ang pagsasabay ng kasiyahan at kaayusan. Isinasaalang-alang aniya rito ang kapakanan ng mga commuters, estudyante, empleyado, drivers, bata, at matatanda.

Ang mas istriktong patakaran ay tugon sa ilang insidente ng hindi makontrol na basaan noong mga nakaraang taon, kung saan may mga nabiktima—kabilang na ang mga motorista at papasok sa trabaho—na sapilitang nabasa, nasaktan, o nabahala.

Matatandaan ang pag-viral noon ni “Boy Dila”, na naging simbolo ng walang habas na pambabasa sa mga motorista, at siyang nagbunsod ng panawagan para sa mas maayos na pagpapatupad ng tradisyon.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble