Wax figure ni Anne Curtis mula Madame Tussauds, ipapakita na sa huling bahagi ng taon

Wax figure ni Anne Curtis mula Madame Tussauds, ipapakita na sa huling bahagi ng taon

MAIPAPAKITA na sa huling bahagi ng taong 2024 ang wax figure ni Anne Curtis na gawa ng wax museum na Madame Tussauds.

Partikular na ipapakita ito sa kanilang Hong Kong branch.

Maliban sa magiging wax figure ni Anne sa Hong Kong ay makikita rin doon ang wax figures ng kapwa mga Pinoy gaya nina Filipino boxing champ Manny Pacquiao at Miss Universe Queens Pia Wurtzbach at Catriona Gray.

Samantala, ang wax figure naman ng Tony Award winner na si Lea Salonga ay matatagpuan sa Madame Tussauds Singapore.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble