GOOD news dahil muling lalaban sa olympic games ang Filipino weightlifter na si Elreen Ando.
Ito ay matapos nitong makuha ang spots sa women’s 59kg division ng weightlifting sa 2024 International Weightliting Federation (IWF) World Cup sa Phuket, Thailand.
Nakabuhat ito ng 100 kilograms sa snatch at 128 kilograms sa clean and jerk na nagbigay sa kanya ng 228 kilograms total lift finish.
Naungusan nito ang 2020 Summer Olympics Gold Medalist na si Hidilyn Diaz-Naranjo na nakapagtala ng 222 kilograms total lift at nagtapos sa 11th place sa naturang world cup.
Dahil dito, si Ando ang magiging pambato ng Pilipinas sa women’s 59 kilograms category.
Sa ilalim ng olympic qualification procedure, isang athleta lamang bawat national olympic committee ang lalaban sa olympic qualifying round.
Ito naman ang unang sabak ni Diaz 59kg division matapos nitong dominahin ang 55kg category.