Welfare center para sa mga batang bilanggo sa Malaysia, inilunsad

Welfare center para sa mga batang bilanggo sa Malaysia, inilunsad

OPISYAL nang inilunsad ang welfare center bilang isang inisyatiba sa ilalim ng Immigration Department upang mas maging komportable ang mga batang nakakulong sa mga depot kasama ng kani-kanilang mga magulang.

Ayon kay Home Affairs Minister Datuk Seri Saifuddin Nasution Ismail, ang welfare center ay mas kilala bilang ‘baitul mahabbah’ na magiging tirahan ng mga batang wala pang 10-taong gilang at kaya umanong ma-accommodate ang 80 bata.

Ang center ay pamamahalaan ng Malaysian Immigration Department.

Ang mga batang inilipat ay mula sa mga Immigration depot sa Bukit Jalil, Semenyih, Klia at Eco Millennium Beranang.

Kabilang sa mga pasilidad na ibinigay ay ang mga learning space, pagsusuri sa kalusugan at mga treatment room, pati na rin ang palaruan ng mga bata.

Ayon pa rito, ang paglilipat ng mga dayuhang bata ay bahagi ng pangako ng gobyerno na protektahan ang mga karapatan ng mga bata anuman ang kanilang status, tulad ng nakasaad sa Child Act 2001 [Act 611] at Convention on the Rights of the Child (CRC).

Samantala, nagpahayag ng pasasalamat si Saifuddin sa suporta mula sa iba’t ibang NGOs upang mapabilis ang pagpapatayo ng center, gayundin ang pagbibigay ng module sa pag-aaral ng mga bata sa welfare center.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

 

Follow SMNI News on Rumble