Western Visayas, mahigit 1.8-K na ang naitalang dengue cases—DOH

Western Visayas, mahigit 1.8-K na ang naitalang dengue cases—DOH

BAGAMAN nakararanas tayo ng mainit na panahon ay kailangan pa ring mag-ingat sa mga sakit lalo na sa sakit na nakukuha mula sa kagat ng lamok katulad ng dengue cases.

Ito ay dahil mahigit isang libo at walo na raang kaso (1.8-k) ng dengue ang naitala sa Western Visayas ayon sa Department of Health.

Record ito ng DOH Western Visayas Center for Health Development- Dengue and Malaria Program mula January 1 hanggang March 23, 2024.

Ayon sa health department, mataas ito ng 5% kumpara sa mahigit isang libo at pitong daang kaso (1, 742) na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Sa mga dengue case naman na nakalap mula March 17 hanggang 23, ang Iloilo ang may pinakamarami at sinundan ito ng Negros Occidental.

Pumapangatlo ang Capiz.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter