Western Visayas, mahigit 1.8-K na ang naitalang dengue cases—DOH

Western Visayas, mahigit 1.8-K na ang naitalang dengue cases—DOH

MAHIGIT 1.8-K na kaso ng dengue ang naitala sa Western Visayas ayon sa Department of Health (DOH).

Record ito ng DOH Western Visayas Center for Health Development-Dengue and Malaria program mula Enero 1 hanggang Marso 23, 2024.

Ayon sa Health Department, mataas ito ng 5% kumpara sa 1,742 na kasong naitala sa kaparehong panahon noong 2023.

Sa mga dengue case naman na nakalap mula Marso 17 hanggang 23, ang Iloilo ang may pinakamarami at sinundan ito ng Negros Occidental habang pumapangatlo naman ang Capiz.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble