ISTRIKTONG ipatutupad ng San Juan City Government ang kanilang wheel clamping ordinance sa lungsod.
Ayon kay San Juan City Mayor at Metro Manila Council President Francis Zamora, layon ng ordinansa na matugunan ang pagsisikip ng trapiko at pigilan ang mga motorista na mag-illegal parking sa mga lansangan.
Ngayong araw ng Martes, pangungunahan ni Zamora ang pagpapatupad ng wheel clamping ordinance.
Ito ay magsisimula sa kahabaan ng Club Filipino Avenue sa Greenhills at pagkatapos ay ililipat sa ibang mga kalye sa lugar, kabilang ang Annapolis at Missouri bago magpatuloy sa iba pang Mabuhay Lanes at City Streets.
Ang mga mahuhuling may-ari, driver, at operator ng motorsiklo ay papatawan ng multa na P500, P1,500 sa mga kotse/AUV/AUV/jeepney, habang P2,000 naman para sa mga cargo truck, delivery van, at pampasaherong bus.
Pagmumultahin naman ng P5,000 ang magtatangkang tanggalin o sirain ang wheel clamp.