Wheelchairs, eyeglasses atbp, sasaluin na ng PhilHealth

Wheelchairs, eyeglasses atbp, sasaluin na ng PhilHealth

SASALUIN na ng PhilHealth ang halaga ng prescription eyeglasses, crutches, walkers, at wheelchairs sa susunod na taon.

Ibinahagi ito ni ACT-CIS Party list Rep. Erwin Tulfo at layunin nito ang maibsan kahit papaano ang mga problema ng mga senior citizens, persons with disabilities (PWDs) at indigents.

Sa panig ng PhilHealth, nakikipag-ugnayan na sila sa optical centers, drug stores at pharmaceutical centers hinggil dito.

Sa kabilang banda, sakop din ng PhilHealth benefit package ang hospitalization ng dengue at leptospirosis.

Sa pahayag ng state health insurer, nasa P13K at P16K ang dengue fever at dengue hemorrhagic benefit packages habang P14.3K ang para sa leptospirosis.

Available anila ang benefit packages na ito buong taon basta’t pumunta lang sa accredited health facilities.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble