HINIMOK ng World Health Organization (WHO) ang Pilipinas na dagdagan ang suplay ng oxygen na kailangan para sa mga pasyente ng COVID-19 sa gitna ng banta ng mas nakahahawang Delta variant.
Sinabi ni WHO Country Representative Rabindra Abeyasinghe sa Laging Handa briefing, na ang ilang bansa na nakaranas ng pagtaas ng kaso ng Delta variant kaya hinimok ang Pilipinas sa mataas na demand para sa medical oxygen.
Hinimok din ni Abeyasinghe ang publiko na ipagpatuloy ang pag-obserba sa minimum health standards ng pamahalaan at i-sentro ang vaccination campaign sa mga grupong may mas mataas na banta ng COVID-19.
Samantala, sinabi ng awtoridad na magbabakuna ito ng nasa 250,000 katao araw–araw sa Metro Manila at magsasagawa rin ng 24/7 vaccination sa kalagitnaan ng dalawang linggong Enhanced Community Quarantine (ECQ).