NAGBABALA ang World Health Organization (WHO) sa banta ng secondary health crisis sa Turkiye at Syria na posibleng mas malala pa sa nangyaring paglindol.
Sinabi ng WHO na mahalaga ang bawat minuto upang marekober ang mga nakaligtas at masigurong manatiling buhay ang mga ito. secondary health
Ayon kay Earthquake Response Incident Manager ng WHO na si Robert Holden, mahalagang manatiling buhay ang mga nakaligtas mula sa paglindol dahil marami sa mga ito ang naiwan lang sa malalang kondisyon, malamig na panahon, kakulangan ng tubig, kuryente at iba pa.
Ipinaliwanag din ng senior emergency officer ng WHO na si Adelheid Marschang ang peligro na maaaring kaharapin ng mga survivor gaya ng diarrhea, cholera, respiratory illnesses, leishmaniasis, disability at secondary wound infections.