Whole-day vehicular coding, iminungkahing huwag ipatupad ngayong Christmas season

Whole-day vehicular coding, iminungkahing huwag ipatupad ngayong Christmas season

HINILING ni 1-Pacman Party-list Rep. Mikee Romero na huwag ipatupad ang whole-day vehicular coding ngayong Christmas season lalong-lalo na sa mga nagmamay-ari lang ng isang sasakyan.

Ibig sabihin, kung hindi ito ipatutupad ay mapapahintulutan pa ang vehicle owners na makabiyahe papunta sa kanilang workplaces o gawin ang kanilang itineraries sa window period na alas diyes ng umaga hanggang alas singko ng hapon.

Pati na rin bago ang alas siyete ng umaga at pagkatapos ng alas otso ng gabi.

Sinabi pa ni Romero, para na rin maiwasan ang tawaging anti-poor ang vehicular coding.

Sa kabilang banda, marami rin aniya ang hindi apektado sa whole-day vehicular coding dahil may mga nagmamay-ari ng maraming sasakyan.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble