Whole of nation approach sa paglaban sa droga, ipatutupad ng gobyerno

Whole of nation approach sa paglaban sa droga, ipatutupad ng gobyerno

IPATUTUPAD ng administrasyong Marcos Jr. ang “whole of nation approach” sa paglaban sa iligal na droga.

Ito ang iginiit ni PNP deputy chief for administration Police Lieutenant General Rhodel Sermonia matapos ilunsad ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan o BIDA Program sa Camp Crame ngayong araw.

Ayon kay Sermonia, mahigpit na tututukan ng bagong programa ang demand at supply reduction sa iligal na droga kasabay ng rehabilitasyon.

Gagawin aniya ng PNP ang supply reduction sa pamamagitan ng kaliwa’t kanang operasyon laban sa mga nagsu-suplay at nagbebenta ng iligal na droga.

Habang makakatuwang ng pulisya ang iba pang sektor lalo na sa awareness campaign na bahagi ng demand reduction ng programa.

Follow SMNI NEWS in Twitter