Wildfire sa California, pinakamalaking naitala sa estado

Wildfire sa California, pinakamalaking naitala sa estado

TINATAYANG pinakamalaking sunog sa estado ngayong taon ang hindi makontrol na sunog sa isang pambansang kagubatan ng Northern California at malaking banta sa isang maraming bayan sa Amerika.

Ang Mckinney fire ng California sa Klamath National Forest malapit sa hangganan ng Oregon ay sumusunog ngayon ng higit sa 50 libong ektarya sa Pacific Northwest, na tinatayang pinakamalaking sunog sa estado ngayong taon.

Nagsimula ang sunog dakong alas-dos ng hapon sa Klamath National Forest at naging sanhi ng pagsasara ng Highway 98.

Nagsimula ang sunog sa pamamagitan ng tuyo at matataas na damo at troso at ang mabilis na pagkalat nito ay pinapalala pa ng hangin at tuyong pagtama ng kidlat.

Ang gobernador ng California na si Gavin Newsom ay nagpahayag ng isang state of emergency, na nagbibigay ng karagdagang pondo na galing sa estado at pederal upang labanan ang pinsala.

Sa nakalipas na isang linggo, ang apoy na  sumunog sa 19,000-acre na lupain o mas kilala sa tawag na oak fire sa Mariposa county ng estado ang naging pinakamalaki sa taong ito.

Ngunit halos 64 na porsyento lamang ang naapula ngayong linggo.

Ngunit ngayon, ang Mckinney fire, ay sumunog na sa 51,468 acres na lupain, at halos hindi pa masyadong naapula.

Tinatantya ng U.S. Forest Service na ang Mckinney fire ay patuloy na nagbabanta sa humigit-kumulang 400 mga istraktura sa lugar.

Mahigpit na sinusubaybayan ng mga opisyal ang daanan at pagpigil ng apoy, at ang mga mandatoryong paglikas para sa higit sa 2 libong mga residente ay nananatili sa maraming komunidad.

Follow SMNI NEWS in Twitter