INIHAYAG ng mga awtoridad ng Paraguay na umabot na sa teritoryo ng bansa ang wildfires mula sa Bolivia.
Umabot na sa Paraguay, ang sunog mula sa timog na bahagi ng Bolivia, ayon sa National Emergency Secretariat (SEN)) ng Paraguay.
Sakabila ng pagsisikap ng mga bumbero na apulahin ang sunog na pinalala ng matinding tagtuyo at malakas na hangin sa lugar.
Ayon sa mga eksperto, ang mga extreme weather conditions na ito ay epekto ng climate change at global warming.
Inihayag ni Joaquín Roa, pinuno ng National Emergency Secretariat na mabilis kumalat ang sunog na may habang 8 kilometro mula Bolivia patungo sa Paraguay.
‘’After a meeting with President Mario Abdo Benítez, that preparations were being made to prevent the fire from reaching Paraguayan territory, but it has now crossed over the border,’’ayon kay SEN Minister Joaquín Roa.
Ayon sa Director na si Rafael Sosa ng Biodiversity of the Ministry of the Environment and Sustainable Development (MADES), nasa kakahuyan na ng Cerro Chovoreca National Park ang wildfires.
Samantala, inatasan na ang mga Estancia El Tigre (Paraguayan Chaco), SEN teams, volunteer firefighters, military forces at mga pilots sa base 7 ng Paraguay, para subukang pigilin ang pagkalat pa ng wildfires sa border ng Bolivia patungong Paraguay.