Wilfredo Gonzales na sangkot sa viral road rage, bigong humarap sa pagdinig ng LTO

Wilfredo Gonzales na sangkot sa viral road rage, bigong humarap sa pagdinig ng LTO

NO show sa isinagawang pagdinig ng Land Transportation Office National Capital Region (LTO-NCR) si Wilfredo Gonzales.

Si Wilfredo, ang retiradong pulis na nanakit at nagkasa ng baril sa nakaalitan nitong siklista na nag-viral sa social media, kamakailan.

Bigong humarap si Gonzales, sa halip ay anak na lamang niyang lalaki ang pinasipot niya sa pagdinig.

Ayon kay LTO-NCR Hansley Lim, Assistant Regional Director (ARD), walang sinabing dahilan ang anak ni Gonzales bakit hindi sumipot ang ama nito.

Bagkus, isinuko na lamang ng anak ang driver’s license ni Gonzales ang lisensiya nito.

Dagdag pa ni Lim, makabubuti aniya kung sumipot si Wilfredo Gonzales upang makapagpaliwanag sa kung bakit hindi ito dapat tuluyan matanggalan ng lisensiya.

Sumipot naman ang rehistradong may-ari ng pulang Sedan na ginamit ni Gonzales sa insidente.

Dala nito ang Deed of Sale na patunay na naibenta na niya kay Gonzales ang sasakyan.

Inilatag naman ni ARD Lim ang apat na kasong administratibo na maaaring kahaharapin ni Gonzales.

Una rito ang reckless driving na halos ika-aksidente ng siklista, disregard on traffic signs dahil sa pagpasok nito sa bicycle lane.

Kasama rin ang obstruction on traffic dahil sa pagharang nito sa kalsada at improper person to operate dahil hindi sa kaniya ang nakarehistro ang sasakyan.

Samantala, sa Setyembre 6 naman ay didinggin ng LTO ang dalawang show cause order na inihain sa dalawang motorista na nagkainitan naman sa Makati.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter