Will Navarro, humingi na ng dispensa sa SBP

Will Navarro, humingi na ng dispensa sa SBP

HUMINGI na ng dispensa ang dating Ateneo standout na si Will Navarro sa Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) matapos na magkaroon ng isyu sa paglagda nito ng kontrata sa Korean Basketball League team na Samsung Seoul Thunders.

Ilang araw lamang matapos na pagbawalan ng pederasyon si Navarro na sumali sa Korean League bunsod ng umiiral nitong kontrata sa SBP at PBA sa pamamagitan ng Gilas’ PBA special draft ay nag-isyu na ng pahayag ang manlalaro sa kanyang social media.

Sinabi ni Navarro na nakipagpulong na ito sa mga ehekutibo ng SBP at inako na rin niya ang kanyang pagkakamali at hindi pagkakaintindihan na sanhi ng kanyang plano na sumali sa Samsung Thunders.

Iginiit din ng UAAP champion ang commitment nito sa national team at sinabing sumali rin siya sa nationals’ practice noong Lunes.

Sa huli ay tinapos ni Navarro ang kanyang pahayag sa pananawagan ng pagkakaisa para sa ikabubuti ng Gilas Pilipinas at Philippine Basketball.

 

Follow SMNI News on Twitter