Willie Revillame, nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyong Odette

NAGBIGAY ng tulong ang TV host/ Singer at Businessman Willie Revillame sa mga nasalanta ng bagyong Odette.

Namahagi ito ng tig P1-M sa 9 na bayan na sinalanta ng bagyong Odette sa Siargao Island.

Ayon kay Revillame nais niyang ibahagi ang kanyang blessings sa mga alkalde upang magkaroon na ng bubong ang mga nasirang kabahayan.

Sobrang nakakaawa aniya ang kalagayan ng mga residente doon dahil salat sa pagkain at maiinom na tubig.

Pinuri at pinasalamatan naman ito ni Pangulong Rodrigo Duterte at sinabing one of the most generous people si Willie.

Nais ni Willie na ibahagi ang kanyang kita dahil anya kung walang tao na nagpasikat sa kanya ay wala sya ngayon sa kanyang kinatatayuan.

Si Willie Revillame ay kilalang Filipino television host, comedian, singer, song-writer at businessman.

SMNI NEWS