Wind at solar power plant hindi solusyon upang maging mura ang kuryente

Wind at solar power plant hindi solusyon upang maging mura ang kuryente

NANANAWAGAN ngayon ang dating mambabatas na si Mark Cojuangco sa mga kinauukulan na tigilan na ang mahabang panahon ng pag-aaral upang maging malinis at mapababa ang presyo ng kuryente dahil panahon na aniyang subukan ang nuclear energy sa bansa.

Sa eksklusibong panayam ng SMNI News kay Cojuangco, sinabi nito na hindi solusyon ang wind at solar sa pagpapababa ng presyo ng kuryente.

Paliwanag nito na hindi sa lahat ng panahon ay mayroong sikat ng araw gayun din sa hangin na may mga panahon na kalmado kaya walang nakukuhang kuryente at nakasisira pa rin ito sa kalikasan dahil coal at gas ang ginagawang panggatong sa mga nasabing power plant.

Dagdag pa nito na wala pa siyang nakikita ni-isa man sa mga politiko na naipaliwanag nang maayos ng tunay na sitwasyon at epekto ng wind at solar power plant.

Sinabi rin nito na nagsisisi siya na kabilang siya sa mga bumoto para sa Renewable Energy Act dahil ang pangako nito na maipababa ang presyo ng kuryente ay napako.

Panawagan nito sa mga kinauukulan na dapat subukan na ang paggamit ng nuclear energy dahil sa lahat ng mga ginawang pag-aaral ito na lang aniya ang hindi pa binibigyan ng pansin.

Nagbigay din ito ng mensahe sa susunod na magiging presidente ng Pilipinas.

Sa ngayon tumatakbo sa pagka congressman ng ikalawang distrito ng Pangasinan si Mark Cojuangco at ipinangako nito na kung papalarin siyang manalo ay siya ang magiging boses ng mga mamamayan sa Kongreso para mapababa ang presyo ng kuryente sa bansa.

Follow SMNI NEWS in Twitter