Winning streak ng Houston Rockets tinapos ng Denver Nuggets

Winning streak ng Houston Rockets tinapos ng Denver Nuggets

TINAPOS ng Denver Nuggets ang siyam na sunod-sunod na panalo ng Houston Rockets matapos tinalo nila ang koponan sa iskor na 116-111.

Si Jamal Murray ng Denver ay nag-ambag ng 39 points at 7 assists para sa naturang game noong Lunes, Marso 24, 2025, Philippine time.

Si Michael Porter Jr. ay mayroong 17 points habang humakot si Deandre Jordan ng 11 points at 15 rebounds.

Sa Rockets naman ay may ambag na 30 points si Jalen Green at 21 points mula kay Dillon Brooks.

Ngunit hindi ito sumapat para matalo ang Nuggets.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble