MAY bagong rebelasyon ang legal team ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa nagpapatuloy na panggigipit ng pamahalaan sa simbahan.
Sa pinakahuling press conference ng KOJC nitong Huwebes, Agosto 1, ay inilahad ni Atty. Israelito Torreon na mas lumalim at tumindi pa ang surveillance sa KOJC religious compound.
“‘Yang ginagawa nga ninyo, alam namin naglalagay pa kayo ng mga listening devices daw dito in-install niyo ‘yan, lahat ng aming mga conversations,” ayon kay Atty. Israelito Torreon, Legal Counsel, KOJC.
Saad ni Atty. Torreon, mahigpit na ipinagbabawal ng batas ang wiretapping.
Pati na ang paglalagay ng listening devices lalo na’t religious organization ang subject ng mga awtoridad.
“Kaya nga sir, baka naman puwede ka magkuha din ng consultation sa mga abogado niyo, marami naman kayong mga abogado po sa PNP,” giit ni Torreon.
Nagpaalala naman ang legal team ng KOJC sa mga pulis na patuloy sa kanilang malalimang surveillance na may kalalagyan ang mga ito sa batas.
“’Yung mga pulis po na sumusunod sa utos po ng inyong mga heneral, ipaalam ko lang po sa inyo, krimen po ‘yan. Under Republic Act 4200, it is illegal, it prohibits the recording of any private communication without consent of all the parties involved,” ani Torreon.
Batid naman ng KOJC na sumusunod lamang sa chain of command ang mga pulis.
Pero, hindi aniya ito sapat na dahilan para makaiwas sa pananagutan.
“Alam niyo, kung gagawin niyo ‘yan, inutusan kayo ng mga heneral, i-monitor niyo ‘yan mga conversations ninyo diyan ha, i-record ninyo lahat ha. Aba, nakaka-preso ‘yan, what if maka-tsamba kami at nakuha namin kayo? Ma-record namin kayo at ma-filan. Perpetual absolute disqualification po ‘yan at nakaka-preso ‘yan up to 6 years imprisonment po,” dagdag pa nito.
Maghahain naman ng kaukulang reklamo ang KOJC laban sa mga pulis na mapapatunayang sangkot sa illegal surveillance.
Lalo na’t may hawak ang mga abogado na ebidensiya dito.
“Mayroon pa ring ibang batas po na nagbabawal po diyan. So, kung orderan kayo ng inyong mga heneral, marami pong paraan. Sana pag-isipan niyo ‘yan para naman makatulog kayo ‘pag gabi kay baka maka-chamba kami, makakuha kami ng concrete evidence na ginagawa niyo ‘yan. So, baka ma-preso kayo at ma absolutely perpetually disqualified to hold public office po,” saad pa ni Torreon.