IBINAHAGI ng panelists ang kanilang kaalaman at karanasan bilang mga kababaihan na nasa larangan ng Science and Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) sa “Women in STEM” Forum na ginanap ngayong araw sa National Science and Technology Fair (NSTF) 2024.
Binigyang importansya ni Dr. Chona Camille Vince Cruz-Abeledo, Associate Professor sa Department of Biology, De La Salle University, na hindi lamang kailangan ng mas maraming babae sa STEM kundi kailangan din ng higit na pagkakaiba o diversity.
“Now, we want diversity. And even if it’s diverse looks, diverse hair colors, diverse body sizes, it also equates to diverse ideas. With more diversity and ideas, the more holistic our solutions tend to be,” ani Dr. Abeledo.
Inihayag naman ni Ms. Tinette de Asis, Head of Educator Programs ng Gokongwei Brothers Foundation, na nakatutulong ang mga forum katulad ng “Women in STEM” upang hikayatin ang mas marami pang batang babae na kumuha ng karera sa STEM.
Kasama rin sina Dr. Sheryl Lyn C. Monterola ng University of the Philippines- National Institute for Science and Mathematics Education Development at Dr. Gay Jane Perez, Deputy Director General for Space Science and Technology ng Philippine Space Agency sa naging makabuluhang talakayan ukol sa paggamit ng agham agt teknolohiya para sa kabutihang panlahat at makatulong sa pagtamo ng mas sustainable na ekonomiya.
Nagkaroon din ng mga breakout sessions para sa mga batang mananaliksik, guro, at lahat sa Science Academy segment kung saan itinalakay ang sumusunod na paksa “Building your own Tissue Culture Kit,” DOST-SEI Eras: Maintaining Sustainability in Education, at Introduction to Nxplorers.