TINALO ng Women’s Football Team ng Pilipinas ang host country na Cambodia sa iskor na 6-0 nitong Miyerkules, Hulyo 2, 2025 sa AFC Women’s Asian Cup 2026 qualifiers.
Dahil dito, kailangan na lang ng isang draw upang muling makapasok sa Women’s Asian Cup ang Pilipinas.
Tinatarget na ng National Team na matalo ang Hong Kong sa kanilang magiging laban sa Sabado, Hulyo 5.
Ang unang yugto ng qualifiers ay nag-umpisa noong Hunyo 23 at magtatapos sa Hulyo 5.
Magkakaroon pa ito ng ikalawang yugto na mag-uumpisa sa Hulyo 7 na magtatagal hanggang Hulyo 19.
Samantala, ang 2026 FIFA Asian Cup main event ay gaganapin sa Australia sa Marso 1 hanggang 21 sa susunod na taon.