Women’s volleyball team, puspusan ang pag-eensayo sa Brazil para sa 31st SEA Games

Women’s volleyball team, puspusan ang pag-eensayo sa Brazil para sa 31st SEA Games

PUSPUSAN ang pag-eensayo ng Team Pilipinas women’s volleyball team sa kanilang two-week training sa Barueri, Brazil.

Ayon kay Philippine National Volleyball Federation (PNVF) Executive Board member at National Team Commission Chairman Tony Boy Liao, layunin nilang makakuha ng gold medal sa 31st SEA Games sa Hanoi, Vietnam.

Tiniyak naman ng Brazilian national coach na si Jorge Edson Souza de Brito na nasa tamang landas ang Team Pilipinas para makamit ang target.

Kasama sa naturang line-up ng National Team ang mga MVP na sina Alyssa Valdez at Jaja Santiago.

Marso nang sinimulan ng PNVF ang pagbisita sa ibat-ibang bansa.

Bahagi ito ng foreign training program ng PNVF para sa koponan nila bilang paghahanda sa SEA Games.

Marso 14 nang tumungo sa Brisbane, Australia ang Philippine Beach Volleyball Team at may iilan sa men’s team ang tumungo sa Qatar noong Marso 20.

Abril 12 ay tumungo naman sa Brazil ang women’s team.

BASAHIN: Alyssa Valdez at Philippine Women’s Volleyball Team, lilipad na patungong Brazil ngayong araw

Follow SMNI News on Twitter