Work-from-home dapat ipagpatuloy para tipid gasolina, pamasahe – Sen. Gatchalian

Work-from-home dapat ipagpatuloy para tipid gasolina, pamasahe – Sen. Gatchalian

HINIMOK ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga ahensya ng gobyerno pati ang pribadong kumpanya na ipagpatuloy ang work-from-home (WTF) arrangement bilang paraan para makatipid ng gasolina at pamasahe ang mga empleyado.

Sa ngayon ay malapit nang umabot sa 100 pesos kada litro ang produktong petrolyo.

Saad ni Gatchalian na ang work-from-home set up ay mapapakinabangan din ng mga employer dahil makatitipid ang mga ito sa mga gastusin ng kumpanya.

Dagdag ni Gatchalian na ang ganitong work arrangement ay nagpapatuloy sa kaniyang opisina.

Dumarami na rin ngayon ang hindi bumibiyaheng pampublikong sasakyan dahil sa walang habas na pagtaas ng presyo ng langis.

Giit pa ng senador na sa ilalim ng Republic Act No. 11165 o ang “Telecommuting Act”, ang mga pribadong kumpanya ay maaaring mag-alok ng isang telecommuting program sa mga empleyado nila batay sa mga kondisyon na kanilang napagkasunduan.

Isinusulong naman ni Gatchalian ang panukala para sa pagbibigay ng tax incentives sa mga empleyado na naka work-from-home o telecommuting program at income tax deduction sa mga employer.

Sa Senate Bill No. 1706, kung saan co-author si Gatchalian, mungkahi nito na magkaroon ng 25 pesos na reduction sa taxable income ng isang empleyado sa kada oras ng trabaho nito sa ilalim ng WFH arrangement.

Parte rin ng kaniyang proposal ay huwag nang buwisan ang mga allowance at iba pang benepisyo ng mga empleyado na saklaw sa mga gastos para sa telecommuting na hindi hihigit sa P2,000 kada buwan.

Sa bahagi ng mga employers, maaaring bawasan ng karagdagang 50% ang kanilang income tax deduction para sa mga allowance na sakop ng proposed bill.

Follow SMNI NEWS in Twitter