Work-from-home, iminumungkahi ni Atty. Roque sa gitna ng oil price hike

Work-from-home, iminumungkahi ni Atty. Roque sa gitna ng oil price hike

IMINUMUNGKAHI ni Atty. Harry Roque na ikonsidera muli ang work-from-home ngayong mataas ang presyo ng produktong petrolyo.

Aniya, kung kaya lang naman ay ipatupad ito muli ng mga kumpanya upang matulungan din ang kanilang manggagawa.

Ipinaliwanag ni Atty. Roque na hindi kasalanan ng pamahalaan na tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.

Aniya, isa sa mga rason nito ay ang nagpapatuloy pa na digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine.

Follow SMNI NEWS in Twitter