“Workplaces,” ang karaniwang pinanggalingan ng COVID-19 cases sa Quezon City

TINUKOY ng Quezon City government na sa “workplaces” karaniwang nagmumula ang bagong COVID-19 infections sa lungsod kamakailan.

Batay sa report ng City Epidemiology and Disease Surveillance Unit  (CEDSU), sa 722 positive cases mula Pebrero 28 hanggang Marso 13, 2021, 104 na kaso o 14% dito ay nakuha sa mga lugar ng pinagtatrabahuan na may maraming empleyado.

Habang ang household ang nananatiling mas karaniwang exposure setting kung saan 256 cases o 35% ang nahahawaan ng virus.

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, ang infections sa workplaces ay naikakalat sa mga kabahayan kapag ang apektadong empleyado ay umuuwi mula sa kanyang trabaho.

Dahil dito, inatasan ni Belmonte ang kanyang mga departamento na silipin ang mga workplace at tingnan kung sumusunod pa rin ba ang mga ito sa health protocols.

Iginiit ng alkalde na dapat gawin ng mga employer ang lahat para mabawasan ang panganib sa kanilang mga empleyado lalo na sa mga essential worker upang hindi sila makadala ng virus sa kanilang mga tahanan at sa kanilang pamilya.

(BASAHIN: Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Quezon City, ikinaalarma)

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.