World Bank loan para sa mahihirap na mangingisda, aprubado na ng NEDA

World Bank loan para sa mahihirap na mangingisda, aprubado na ng NEDA

INAPRUBAHAN ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang P11.2-bilyon at pitong taong proyekto na naglalayong iahon ang 350,000 mangingisda sa 24 na probinsya sa baybayin mula sa kahirapan.

Ayon kay Socioeconomic Planning, na siya ring NEDA director general at vice chair, ang pag-apruba sa proyekto ng Philippine Fisheries and Coastal Resiliency (FishCoRe) na karamihan ay popondohan ng loan mula sa World Bank (WB).

Sa isang pahayag, sinabi ni NEDA na sa P11.2-B kabuuang halaga ng proyekto, P9.6-B ang magmumula sa opisyal na tulong sa pagpapaunlad na ibinibigay ng WB.

Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na napapanahon ang proyekto dahil makatutulong ito na mabawasan ang problema ng mga mangingisda.

 

Follow SMNI News on Twitter