World class na Lagusnilad underpass, binuksan na muli

World class na Lagusnilad underpass, binuksan na muli

MAKARAANG sumailalim sa ilang buwang renovation, binuksan na ang Lagusnilad underpass.

Ang inagurasyon ay pinangunahan ni Manila City Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso kasama ni Vice Mayor Honey Lacuna Pangan.

Sa bagong renovated na underpass bungad pa lang ka ay sasalubong na ang magkabilaan na vertical wall gardens.

Pagbaba pa lang ng hagdanan ay kapansin pansin ang nagagandahang mural paints na nasa kaliwang side ng digding na punong punong ng  mga kasaysayan ng Manila.

Sa mga character painting makikita ang mga bayani ng Pilipinas gaya ni Dr.Jose Rizal, Andres Bonifacio ,at iba pa kung saan naging bahagi din sa kasaysayan ng Manila.

Ang redevelopment ng underpass ay dinisenyo ng alumni mula sa University of Sto. Tomas na si Arch. Juanito Malaga kasama ng iba pang UST graduates sa pakikipagtulungan ng Department of Engineering and Public Works (DEPW).

Ang naturang underpass ay may 27/7 security na binubuo ng security personnel at CCTV cameras na konektado sa Manila Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) command center.

Hindi na rin pinapayagan ang mga vendors dito para magtinda kundi ay ang underground bookstore na lamang ang pinapayagan na magtinda.

Bukod sa malinis na ang lugar ay taglay din ng security camera ang Lagusnilad Underpass.

Kung matatandaan sinimulan i-renovate ito noong November 2019.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.