PAGDATING sa de kalidad na mga products, hindi patatalo ang mga Pilipino.
At isa na dito ang mga Negrense! Kaya naman hindi na nakapagtataka na mahigit tatlong dekada na at nagpapatuloy hanggang ngayon ang Negros Trade Fair na tampok ang talaga namang ipinagmamalaking world class product ng mga taga Negros.
Ayon kay Negros Occidental Gov. Eugenio Jose Lacson, ang Negros Trade Fair ang itinuturing na pinakamatagal na Provincial Trade Fair sa buong bansa.
Sinimulan ito nang ilang grupo ng kababaihan noong kasagsagan ng sugar crisis sa bansa noong dekada 80.
Naghanap ng ibang paraan ng mapagkakakitaan ang mga asawa ng mga sugar planters kaya dito nagsimulang maitatag ang Association Of Negros Producers.
Kaya naman taun-taon nang isinasagawa ang Negros Trade Fair.
‘‘You will find here different Negrenses can showcase from food, clothing even tourism, handicrafts everything that… they can create new markets,’’ ayon pa kay Gov. Eugenio Lacson.
Kung nais mong matikman ang masasarap na pagkain na mga Negrense at iba pang produkto ay bisitahin ang Negros Trade Fair sa Glorietta Activity Center sa Makati City na tatakbo hanggang ngayong linggo.