TINALO ng France ang Australia 4-1 sa Group D ng FIFA World Cup na ginanap sa Qatar.
Unang nakapagtala ng goal si Craig Goodwin ng Australia sa loob ng ika-siyam na minuto.
Pagsapit naman ng 26 minuto ay agad na sumagot ang France sa pamamagitan ni Adrien Rabiot at Oliver Giroud na nagbigay sa kanilang ng 2-1 na kalamangan.
Kaya naman pagpasok ng 2nd half ay dominado na ng France ang laro sa pamamagitan naman ni French Forward Kylian Mbappé at Striker Oliver Giroud.
Dahil sa apat na puntos na ito nakuha ng Team France pagkapanalo sa Group D.